Kanta at Mga Alaala

Kakatapos ko lang mafix yung mga latest bugs na kailangan ko tapusin. Naka-vacation leave ang QA na nakaassign sakin, kaya naman, self-proclaimed day of rest ko ngayon at kahapon. Nasa office pa din naman ako, iniiwasan ko lang i-start yung bagong features ng app na irerelease namin sa September kasi kapag sinimulan ko yun, sunod-sunod na ulit ang mga gagawin ko. Kaya naman, habang tumutugtog ang Reminisce playlist ko sa Spotify, naalala ko yung mga kantang pinapatugtog ko N years ago. Masarap pa din sa tenga.

Ito yung mga kantang kahit saan o kahit kailan ko patugtugin, ang dami ko pa din naaalala:

Welcome To My Life by Simple Plan
N’ung mga panahong ‘to, nag-eemo ako kasi feeling ko di ako mahal ng mga High School friends ko. Tapos nasa biyahe palang ako papunta sa UPCAT Exam Center kinakanta ko na ‘to sa isip ko. N’ung makita ko na ‘yung questionaire at alam ko nang kahit anong piga sa utak, wala na ako masasagot, kinakanta ko nalang ‘to ng paulit-ulit sa upuan ko. Hindi ko alam kung nakapasa ‘yung katabi ko. Pakiramdam ko nadisturb sya sa humming ko at sa paulit-ulit kong pagkain ng snacks habang nag-eexam.

A Thousand Miles by Vanessa Carlton, You’ll Always Find You’re Way Back Home by Hannah Montanna
N’ung bata pa ako, gustong-gusto ko magpabili ng walkman sa tatay ko. Hindi naman nya ako maibili at hindi na rin naman ako nangulit. Kaya nung nagcollege, bumili ako ng mp3 at mp5, ‘yung nabibili lang sa mga tiangge. Ito ‘yung may 50 free songs kapag binili mo. May mga ‘di mabilang na araw, na mag-isa ako sa dorm, nasa top bunk ako at tumutugtog lang ang mp5 or mp3 ko. Ang sarap lang makinig sa mga kanta lalo na pag mag-isa ka at namimiss mo ang pamilya mo sa probinsya.

Love The Way You Lie by Eminem, Rihanna
Isang gabi, habang naglalakad kami ng kaibigan ko pauwi sa dorm, nadaanan namin ang isang grupo ng kabataan sa gitna ng Freedom Park. Nandun sila sa circle sa gitna; yung may ilaw. Alam ko brownout nun e, kasi di ko makalimutan na nilalamok ako. Tapos may naggigitara sa kanila at ‘yung isang babae kinakanta nya yung part ni Rihanna. Ang galing nya kumanta pero ‘yung tumatak talaga sa isip ko ay ‘yung mga panahong pakiramdam ko magkakaron din ako ng tropa na makaksama ko din tumambay sa Freedom Park tapos nagjajam din kami sa mga paborito naming kanta. Ngayon, nagtatrabaho na ako at sinukuan ko na ang ganitong mga mumunting pangarap.

If it’s Love by Train
May isa kaming Instructor sa isa naming Major subject na mahilig sa multi-media shits. Pinakita nya sa buong class yung ginawa nyang lyric video ng If it’s love na para sa gf nya. Sobrang lakas makapogi ng mga ganitong ganap dati. Dinownload sa youtube ng buong large class yung video na yun e. Tapos on random days, maririnig mo nalang sa hallway ng dorm may nagpapatugtog ng If It’s Love.

The Man Who Can’t Be Moved by The Scripts
May HS classmate ako dati na lalake na sobrang close sakin. Pero di ko masabing close ako sa kanya. Ang sama ko. Haha. Pero di kasi ako masyadong clingy, though naappreciate ko naman hanggang ngayon yung friendship namin. Habang vacant kami noon sa isang klase at dahil magkatabi lang ang upuan namin. Tinanong nya ako kung may kanta daw ba ako para sa kanya. Sabi ko The Man Who Can’t Be Move. Pero ‘yung totoo, ito lang ang paborito kong kanta ‘nung mga panahong ‘yun. Tumawa sya sa meaning ng kanta, ang weird daw kasi moving on ang theme ng kanta. Tapos sabi nya “I’ll be” daw ang kanta nya para sakin. Hindi ba mas cringy yun? Nakakakilabot.

The Call by Regina Spektor
Hindi ko alam kung ilang besses ko tong pinaulit-ulit dati nung college. Favorite ko pa din ‘to hanggang ngayon at naalala ko pa din ‘yung scene na tumatalikod na ang magkakapatid para umalis sa Narnia, tapos lumingon si Lucy, tapos ‘yung ingay ng train, tapos ang ganda ng kantang ‘to. Huhu.

Makitang Kang Muli by Sugarfree
Hindi ko sure kung tama yung memories ko, tanda ko lang na themesong ‘to ng Panday (‘yung JerichoXHeart version). May part dun na kinidnap si Heart (as usual with the heroine) at ililigtas sya ni Jericho. Feeling ko lang, akmang-akma ang kantang ‘to sa scene. Pero mas memorable sakin ‘yung during that time na napakinggan ko ‘to, may naiisip akong mas magandang script ng isang story na mas interesting. Nakalimutan ko na kung ano yung plot, pero naalala ko lang yung satisfaction ko.

Mahiwang Pag-ibig by 6cyclemind
Noong unang panahon, ako ay dakilang fan ni Kim Chui. Ito ‘yung summer after ng Elementary days ko. Pinanood ko from start to finish yung PBB Teens Season 1. Nagnonotes pa ako. Nilalagay ko per day kung ano yung mga task, sino nanalo, anu-ano mga pinag-usapan nila. Tinatago ko din yung mga cover ng notebook or yung mga dyaryo na may picture ni Kim Chui. Nung pumasok ako ng High School, may kaklase akong pakiramdam ko kamukha ni Kim Chui. Gandang-ganda ako sa kanya. Kaya nung isang beses na nabasa ng mga kaklase ko yung notes na ginawa ko sa PBB, hiyang hiya ako dun sa kahawig ni Kim Chui. May isang beses pa na pinagawa kami ng keychain gamit ang coconut shell tapos yung ginawa ko heart na may nakalagay na “Kim”. Isa-isang sinasauli yung mga keychain after macheck ng teacher namin, tapos nung tinatawag na yung akin, tinawag ba naman yung Kim. Eh nasa may unahan nun si J, tinakpan ko ba naman mata nya. Sobrang gulat sya kung bakit ko ginawa yun. Naisip ko kasi dati na nakakahiya na fan ako ni Kim since kahawig nya si Kim? Anong connect? Nakakatawa pa din. Pero ngayon, di na ako nagfafangirl kay Kim. Ito din palang kantang to ang themesong nung unang serye nila paglabas sa PBB kasama yung ibang Teen Housemates.

Puso by Sponge Cola
May pinapanood kaming TV Show na panghapon ‘nung High School ako na nakalimutan ko na kung ano basta alam ko lang nagbabasketball yung bida. Pinipilit ko talagang umuwi ng maaga para lang mapanood yun. Dadating ako lagi na puno yung bahay namin kasi andun lahat ng mga kalaro ng kapatid ko nanonood din. Kapag naririnig ko ‘tong kantang ‘to naalala ko yung mga palabas sa TV na inaantay namin sa hapon bago ang local TV news. Mga anime, mga asianovelas. Nakakamiss din.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s